Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 1022 Biyahe Sa Disyerto

Mapanglaw na disyerto ang buong paligid. Kahit saan ka tumingin, bibihira lamang makakita ng damo. Kahit may ilang bahaging natataniman, maliit lamang ito at hindi madaling mapansin sa unang tingin. Bumuntong hininga si Nell nang maisip na dito nakatira ang kanyang ina sa loob ng ilang taon. Hindi naman dahil iniisip niya na masamang lugar ang Yima, subalit alam niya sa loob ng kanyang puso na isang marangyang binibini si Cathy. Kahit hindi naging tapat si Shaun Jennings sa kanya, hindi naman nito pinabayaan ang babae. Hindi dumanas ng hirap si Cathy. Sa ganitong klase ng disyerto, kahit gaano pa kadami ang pera mo, kulang ang mga resources at mahirap mahanap ang ibang mga bagay. Siguradong nagdusa si Cathy sa ganitong klase ng lugar at nagtagal pa ng ilang taon bago siya nasanay. Nang maisip ito, hindi mapigilang bumigat ng loob ni Nell. Tila ba nabasa ni Gideon ang iniisip ng babae kaya agad niyang hinawakan ang kamay nito, “Huwag mong masyadong isipin ang mga ganyang bagay.

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.