Kabanata 1036 Unang Beses Na Masilayan Ang Magandang Babae
Napanatag si Vickie nang maisip ito.
“Sige, kayo na ang nagsabi, hindi ko kailangang mag-alala. Hintayin niyo na lang. Kapag kumilos siya, ipaalam niyo agad sa akin. Pupunta agad kami ni Gregory.”
“Oo naman.”
Pagkatapos nila itong pag-usapan, nagtanong si Nell, “Kumusta naman ang sitwasyon niyo sa Southern Yunnan?”
Nang mabanggit ito, agad na nagliwanag ang mukha ni Vickie.
“May maganda kaming balita. Totoo ang nakalap niyong impormasyon. May Arcane Jade nga talaga rito, pero medyo mahihirapan kami sa proseso.”
Tumango si Nell. “Mabuti pa rin iyan.”
Nagkuwentuhan muna ang dalawang grupo saka nila ibinaba ang tawag.
Pagkatapos, tinignan ulit ni Nell ang larawan sa kanyang cellphone. Tila ba hindi pa rin siya makapaniwala.
“Parang hindi totoo ang nangyayari. Sinusubukan ko lang namang imbestigahan kung sino ang lalaking iyon, hindi ko naman inaakalang si Jeff Flinders pala talaga!”
Nasorpresa rin si Gideon.
Bago pa ito, may pakiramdam siya na higit pa sa nakikita ng mata ang l

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda