Kabanata 180 Mahilig sa Dumi
Kilala ni Nell ang babaeng ito.
Isa ito sa mga assistants ni Celine, si Kylie.
Batang-bata pa ito at mukhang 17 o 18 anyos lamang ang babae. Madalas, nasa likod lamang siya ni Celine at tahimik na sinusunod ang mga utos nito kaya hindi niya nakukuha ang atensyon ng iba.
Naalala ni Nell ang babaeng ito dahil sa nakaraang insidente. Sa pagkakataong iyon, nang magpunta siya sa film set para hanapin ang ibang artista, nakita niyang pinapagalitan ni Celine si Kylie.
Mukhang aksidente niyang natapunan ng tubig ang damit ni Celine habang naghahain ng inumin. Sinampal siya ni Celine pagkatapos niyon.
Dismayado ang dalaga. Pinigilan niya ang kanyang mga luha at tinakpan na lamang ang mukha, hindi ito nagbitaw ng kahit anong salita.
Noon, naawa si Nell para sa kanya. Subalit, hindi niya naman ito buhaty at hindi rin naman siya isang santo. Dagdag pa roon, hindi naman niya hilig ang makialam sa problema ng iba kaya hinayaan niya na lamang ang eksena.
Ganoon pa man, nag-iwan ng impresyon ka

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda