Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 186 Na-setup Tayo

Hindi mapigilang mapasimangot ni Nancy. Naiirita na siya nang bahagya. “Bakit ba nila ito inuulit? Hindi ba engaged na sila? Bakit may proposal na naman?” Inobserbahan ni Nell ang eksena. Gwapo tignan si Jason at maganda si Celine sa ilalim ng liwanag ng araw. Nakasuot ang babae ng puting bestida at may hawak na pumpon ng rosas sa kanyang mga braso habang nakatayo nang emosyonal at masaya. Kung susulyapan, tila ba bagay na bagay sila sa isa’t isa. Ngumuso naman si Nell saka sinambit, “Magandang tignan.” “Huh?” Nalito naman si Nancy. “Ang ibig kong sabihin, sa anggulong ito, ang ganda ng postura nila.” Hindi naman makapagsalita si Nancy. ‘Nababaliw ka na ba, missus?!’ ‘Ex-fiance mo ang isa at haliparot naman ang babaeng nagnakaw sa iyo, pero iniisip mong bagay sila?’ Inalis ni Nell ang kanyang tingin at saka natawa nang mapansin niya ang kalituhan at gulat sa mukha ni Nancy. “Laging may taong nararapat para sa isang tao! Dapat mas maging malaki ang puso natin at tumigil na ta

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.