Kabanata 205 Pagsamantalahan ang Trend
Gulat na gulat si Tim!
Nanliit ang kanyang mga mata sa galit saka niya tinanong, “Sino ang may pakana?”
Tinitigan siya ni Nell at ngumiti nang sarkastiko. “Celine Jennings.”
“Ano?”
Nagulantang muli si Tim.
Bukod pa sa kanya, lahat ng miyembro ng crew ay masosorpresa kapag narinig nila ito.
Hindi naman dahil sa pakiramdam nila na hindi ito kayang gawin ni Celine, pero dahil wala siyang benepisyo sa paggawa nito.
Alam ng lahat na dahil sa iskandalo, lalong bumabagsak ang career niya. Wala rin siya masyadong mga commercials sa loob ng kalahating taon.
Marami siyang ibinuhos na pagod para lang makabalik sa pagkakataong ito, at sa wakas nakuha niya ang second female lead ng drama na ito. Syempre, gagawin niya ang lahat para maging maganda ang kanyang performance at para maayos ang kanyang imahe.
Iyon ang dahilan kung bakit napakahalaga sa kanya ng seryeng ito.
Kapag ang direktor at mga main characters ng drama ay pareho-parehong may problema, maaapektuhan ang buong crew, at kapag

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda