Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 337 Samahan sa Pagtulog

Napansin ni Liam ang reaksyon nito at naningkit ang mga mata nang may tuwa. “Anong tinitingnan mo, Mrs. Jackman?” Tanong niya habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Namula nang labi ni Janet at nahihiyang umubo. Pagkatapos ay sumimangot at bumulong, “Sinong gustong tumingin sa’yo? Walang hiya!” Tumalikod siya at nagkunwaring hindi ito pinapansin. Habang mas lalo siyang nagkukunwaring masungit, mas lalo niyang pinapakita ang totoo niyang nararamdaman. Biglang gumanda nang sobra ang pakiramdam ni Liam. Ang seryoso niyang aura ay naglaho. Pinatuyo niya ang buhok, tinanggal ang tuwalya sa katawan, at umakyat sa kama. Nagulat si Janet nang bigla siyang nabalot ng mainit na hangin. Kinilabutan siya at umupo nang tuwid upang tingnan ang ang lalaking tinataas ang kumot. Sumigaw siya. “Anong ginagawa mo?!” Inosenteng itinaas baba ni Liam ang kanyang mga kilay. “Matutulog.” Tiningnan siya nang masama ni Janet. “Hindi ba’t may sarili kang kwarto? Hindi ka ba matutulog do’n?”

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.