Kabanata 637 Nababaliw Sa Akin
Nakita ni Joel na tinutulungan siya ni Lucy pero hindi niya ito tinanggihan.
Umupo siya sa tabi at hinayaan niyang mag-impake ito habang nagbabasa ng dyaryo.
Pumunta man si Joel bilang assistant ni Lucy, pero sa huli ito pa ang namamahinga habang ang babae ang nagtatrabaho.
Tinignan ni Lucy ang lalaki at napabuntong hininga na lamang.
“Nga pala, nakalimutan ko itong itanong sa iyo. Kumusta na si Carina? Kung nandito ka, saan mo naman siya pinadala?”
Sa pagkakataong iyon, nakasara ang pinto at wala namang ibang tao kaya pwedeng magtanong si Lucy ng mga ganitong bagay/
Nang marinig ito ni Joel, natawa siya.
“Syempre pinauwi ko siya sa China. Ano pa ba ang gagawin niya dito?”
Nasamid si Lucy at hindi niya alam ang sasabihin.
Mabuti naman at pinauwi niya si Carina.
Sa ganitong paraan, mababawasan ang tsansa na mailantad sila.
Napanatag si Lucy habang iniisip ito.
Pagkatapos nilang mag-impake, isa sa mga crew members ang tumawag sa kanila at sinabing bumaba na sila.
Sinundan si

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda