Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 725 Masamang Tao

Napatigil si Karen sa kaniyang nilalakaran. Dahil nakasunod si Nell sa kanya, napatigil rin ito. Nasorpresa si Nell kanyang nakita at saka napabulalas, “Aunt Karen, may mali ba?” Tinignan ni Karen si Nell saka napasimangot nang kaunti, “Saan kayo nanggaling?” Ngumiti si Nell at tumugon, “Ah, sa China. Alam mo ba ang bansang ito?” Agad na nagbago ang ekspreyson ni Karen. Sa totoo lang, sa Southeast Asia, magkakamukha ang mga tao. Nang dumating si Nell at Nancy, diretso ang pagsasalita nila ng Ingles, at nagsasalita rin ng ilang mga pangungusap ng County T si Nancy. Inisip tuloy ni Fred at Karen na nanggaling sa Country T ang dalawa. Matapos ang lahat, mabuting magkaibigan ang dalawang binibini, paniguradong pareho lang sila ng pinanggalingan. Sa pagkakataong iyon, nang marinig ni Karen na galing ng China si Nell, nagulantang siya at nagbago ang kanyang ekspresyon. Nakita ito ni Nell at napansin niyang namutla si Karen. Inabot niya ito saka kumaway, “Aunt Karen, ayos ka lang b

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.