Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 859 Tinatagong Motibo

Ang pamilya Flinders pala ang kumuha ng Arcane Jade? Ito…paano ito naging posible? Parehong nagulantang si Vickie at Gregory. Matapos ang lahat, wala namang kinalaman ang Flinders sa kaguluhang iyon. Walang mag-aakalang nasa kamay pala nila ang Arcane Jade. Sila ba ang nagsimula ng rebelyon dati at pinagmukha nilang ang mga traydor sa Vermillion Bird Organization ang may gawa? Hindi, imposible! Malapit ang relasyon ni Gregory Graham at Shimon Flinders. Sa panahong iyon, wala pa silang kompetisyon sa negosyo at masasabing magkaibigan talaga sila. Kung talagang Flinders ang may gawa, imposible hindi ito mapansin ni Gregory. Subalit, kung hindi nga talaga Flinders ang may gawa nito at hindi talaga napunta ang pinag-awayan nilang Arcane Jade sa kamay nila Shimon, hindi kaya may ikalawang piraso ng Arcane Jade? Naisip rin ni Vickie ang posibilidad na ito at hindi niya mapigilang mangatog. Nilingon niya is Gregory at nakita niyang magkapareho sila ng ekspresyon. Napansin rin ni Ma

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.