Kabanata 877 Walang Awa
Sinabayan na rin ni Vickie ang pagbibiro ni Andrea. “Kung bibigyan mo ako ng bayaw, ayos lang sa akin na dagdagan ko pa ang ibibili ko sa iyo.”
Muling namula ang mukha ni Andrea. Sinulyapan niya nang maingat si Jonathan saka siya napatitig nang masama kay Vickie. “Miss Vickie!”
Tumawa si Vickie. Sa totoo lang, hindi niya lang naman ililibre si Andrea. Pumunta rin siya rito para bumili ng mga personal niyang gamit.
Maganda naman ang mga gamit sa mansyon. Maalalahanin rin si Mr. Osborne. Pero, sa huli, lalaki pa rin siya. Babae si Vickie at may iilang bagay na hindi niya mapapaki-usap sa butler. Hindi niya masabi kay Mr. Osborne ang ilang mga pangangailangan niya.
Kaya, gagamitin niya ang oportunidad na ito para bumili ng mga personal niyang gamit.
May dalang card si Vickie na pagmamay-ari ni Gregory. Sabay naman silang lumaki at nasa iisang mansyon lang rin sila. Hindi naisip ni Vickie na mali na gastusin niya ang pera ng lalaki. Kaya, walang awa siyang namili sa araw na iyon.
Sy

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda