Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 912 Tutulungan Ka Ng Diyos

Pagbalik sa mansyon, nakahanda na si Gideon at Nell. Hinihintay na lamang nila ang pagdating ni Gregory. Pagdating nito, nagtanong agad si Gideon, “Kumusta? Anong nangyari?” Itinulak ni Gregory ang lahat ng nasa mesa saka siya sumagot, “Gaya ng inaasahan. Wala nga talagang kinalaman si Shimon. Ang Flinders HQ ang may pakana.” Ngumiti nang bahagya si Gideon. “Bumalik na rin ang mga tauhang pinadala ko. Nasa ilalim ng kontrol natin ang tatlong kriminal, nablackmail na rin sila para umamin. Sila nga talaga ang dumukot kay Vickie, at nagmula ang utos sa isang mataas na miyembro ng Flinders. Regan Flinders ang kanyang pangalan.” Napasimangot si Gregory. “Regan Flinders?” “Oo.” Inilahad ni Giden ang impormasyon sa mesa saka siya nagpatuloy, “Maraming internal factions sa Flinders. Magulo at komplikado ang sistema. Malayo ito sa kalmado at maayos na istruktura ng pamilya sa harap ng publiko.” “Ayon sa napag-alaman namin, sinusunod ng lahat ang mga utos ng head na si Louis Flinders, pe

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.