Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 929 May Ibang Intensyon

Subalit, walang pagbibiro sa mukha ni Gregory. Napansin na rin ni Mr. Osborne na seryoso ang lalaki. Bumigat ang kanyang loob. “Ano na ang mangyayari ngayon?” Mahinang nagsalita si Gregory. “Isa-isa muna nating sosolusyunan ang lahat.” Naglakad siya papunta sa hagdan pagkatapos magsalita. Sa ngayon, nakaupo si Vickie sa balkonahe habang nilalasap niya ang simoy ng hangin. Sa totoo lang, hindi masyadong mainit ang panahon ngayon. Naiinitan lamang siguro si Vickie dahil naiirita, nag-aalala, at nalilito siya. Pagka-upo niya, naramdaman niya ang daloy ng hangin at agad na bumuti ang kanyang pakiramdam. Hindi niya napansing umakyat na pala si Gregory hanggang sa may bigat siyang naramdaman sa kanyang balikat. Nakabalik lamang si Vickie sa kanyang huwisyo nang maramdaman ito. Nang lumingon si Vickie, napataas ang kanyang kilay. “Umalis na silang lahat?” “Mm.” Umupo si Gregory sa harap ng babae. Sumunod, niyakap niya ito. Nagpahinga lamang si Vickie sa bisig ng lalaki. Tinignan

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.