Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 120 Founder ng Dark Web Alliance

May hawak na tungkod na hugis dragon si Fabian. “Hindi sila madaling mahanap. Pagkatapos lumaban noon, nasa ilalim na sila ng pinakamataas na lebel ng pamumuno.” “Lumitaw sila muli nitong mga nagdaang ilang buwan.” Hininaan ni Ryan ang boses niya. “Narinig kong nagpasya ang boss nila na magpatakbo sa isang semi-private na paraan.” Kuminang ang mga mata ni Fabian. “Ikaw ang humawak sa bagay na'to. Basta't mahahanap nila ang munting prinsesa, handa silang bayaran ng pamilya natin nang kahit na magkano.” Ito ang pag-asa ng matanda para mahanap ang apo niya, hinihiling niyang makakabalik siya sa pamilya nila. Nang natanggap ni Wynter ang ganitong balita, tinaas niya ang isang kilay niya. Ibinahagi ito ng representante ng Welkin Corporation. Nagsasalita pa rin si Gregory. “Boss, dapat ba natin silang tulungan?” Nakasuot ng wireless earphone si Wynter. Nasa isang eskinita siya nang ngumiti siya. “May nagbabala sa'king wag akong magbigay ng kahit anong serbisyo sa Quinnwell family.” N

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.