Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 383 Ang Pagbisita ni Madam Fudd

Agad na bumalik sa trabaho si Heaton noong sumunod na araw. Maraming proyekto niya ang nahinto noong umalis siya para hanapin si Verian sa South City. Talagang kumakain ng oras ang trabaho lalo na at nawalan pa siya ng paningin. Agad itong dumeretso sa kanyang opisina matapos kumain kasama nina Verian at Little Jelly Bean. Nakasimangot na nagsalita si Little Jelly Bean, “Monty, sobrang busy ni daddy. Gusto ko pa naman sabihin sa kanyang na punta tayong zoo sa weekend!” Ngumiti si Verian habang tinutulungan ang bulilit na magbasag ng itlog. “Baka busy si daddy sa weekend. Gusto mo ako na lang ang sumama sa’yo?” “Sige.” Lumiwanag ang mukha ni Little Jelly Bean; tila ba nagniningning ang mga tala sa kanyang mga mata. Talagang nakakatuwa ang batang ito. Inalis ni Verian ang pula ng itlog at iniwan ang puti para kay Little Jelly Bean. “Para kang daddy mo, pihikan sa pagkain.” Mas madali sanang alagaan si Little Jelly Bean kung katulad niya ito. Lahat ay kinakain ni Verian bukod sa

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.