Kabanata 415 Pinahahagalagan Siya Nito Nang Labis
Mayroong puting pure-cotton na camisole na nakatiklop sa kanyang drawer.
Ang camisole na hinubad ni Serene noon para balutin ang kanyang sugat.
Kahit na sampung taon na ang lumilipas, iniingat-ingatan niya pa rin ito.
Hinding-hindi niya malilimutan ang malambot at mainit na yakap ng batang babae noong gabing iyon.
...
Kinaumagahan, nagpunta si Serene sa ospital nang magang-maga ang kanyang mga mata.
Sa katunayan, gusto sana niyang mag-leave ngayong araw dahil ayaw niyang makaharap si Wilson. Subalit, kung iiwasan niya ito ngayon, paano pa sa mga susunod na araw? Hindi naman niya pwedeng palampasin ang kanyang internship, hindi ba?
Pinag-isipan niya ito nang mabuti at sa bandang huli, nagdesisyon siyang pumunta na lang sa ospital kahit mayroon siyang pag-aalinlangan.
Pagdating na pagdating niya sa ospital nagpalit agad siya ng damit at sinuot ang kanyang pormal na kasuotan. Paglabas niya ng dressing room, lumapit ang ilang kasamahan niya sa trabaho at tinukso siya.
“Se

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda