Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 31

Tumawa si Chuck saka nagtanong, “Kung ganoon, sabihin mo sa’kin. Bakit mo ako tinititigan?” “Hindi ba tinititigan mo rin naman ako? Paano mo malalaman na nakatitig ako?” Hindi ito mapabulaanan ni Chuck. Hindi nagtagal ay sinabi niyang, “Yohan, malamang ay asawa mo ang nagpadala sa’yo ng text messages na iyon. Wala sa kontrol ang mga emosyon mo.” “Nakakatawa. Paano naman magiging ganoon ang epekto sa akin ng isang babae?” sabi ni Yohan. Pinandilatan niya si Chuck at binalaan ito, “Kung ipagpapatuloy mo pa ang pagbanggit tungkol diyan, lumabas ka na. Hindi na kita ililibre ng pagkain.” “Sige, sige, tatantanan ko na. Kakausapin mo rin naman ako tungkol diyan kapag handa ka na,” sagot ni Chuck. Kilalang-kilala niya ang naturang kaibigan. Kung walang gustong ibahagi si Yohan, hindi mahalaga ang sinabi. Ang resulta ay mananatili. Pansamantalang tumigil si Chuck sa pagtsitsismis. Alam niya na, dahil sa malapit na pagkakaibigan nila ni Yohan, malalaman niya rin kung sino ang asawa ni Yohan. “T

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.