Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 1151

Nagkaroon na siya ng mastery sa larangan ng lason mula sa mga insekto ngayong nagsasanay siya sa Hades Axiom at noong makatanggap siya mismo ng gabay mula sa Insect Ruler. Pero makikita pa rin sa malawak na mundong ito ang iba’t ibang mga bagay. Kaya kahit na sa pamamagitan ng kahanga hangang kakayahan ni Andrius, hindi pa rin niya nagawang alisin ang lason sa katawan ni Bradley noong mga sandaling iyon. “Ano na ang dapat nating gawin?” Nasurpresa nang bahagya si Dax nang marinig niya na hindi ito magagawang gamutin ni Andrius. “Mayroong doktor na nagngangalang Kelvin Leach sa Murrfield.” Dahan dahang sinabi ni Andrius, “Ilang dekada na nitong pinagaaralan ang iba’t ibang uri ng mga insekto kaya mas malawak na ang karanasan nito kaysa sa kaalaman ng nakararami tungkol sa mga insekto. Magpadala ka ng tauhan para dalhin siya rito. Sigurado ako na magagamot niya si Bradley.” “Sige, ako na ang nahala rito!” Agad na isinagot ni Dax bago ito umalis. Tanging si Luna at Andrius na lang a

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.