Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa
Asawa ng LoboAsawa ng Lobo
Oleh: Webfic

Kabanata 1651

Hindi ito naintindihan ni Luna habang nagtatanong ito ng, “Nay, maaari niyo po bang ipaliwanag ito sa akin?” “Sa sandaling pirmahan ng isang tao ang kontrata para ibenta ang kaniyang kaluluwa, ako, bilang envoy ay hindi na responsable sa kahit na anong mangyayari sa impyerno kaya hindi ako magbibigay ng kahit na anong kabayaran sa mangyayari sa iyo roon.” Nagpakita ng mistertyosong ngiti sa kaniyang mukha ang envoy habang nagsasalita. Ang pagbebenta sa kaniyang kaluluwa… Hindi ito magiging responsable sa kahit na anong mangyayari sa kaniya roon… Hindi na ito masyadong pinagisipan ng sumasangayong si Luna, “Wala pong problema.” “Magaling!” Dito na tumaas ang ngiti sa bibig ng envoy bago nito masiglang sinabi na, “Kung ganoon, halika na. Dadalhin na kita sa bangka.” Habang nagsasalita, ginamit nito ang kaniyang tungkod para maglakad sa gilid ng Ilog Styx. Agad naman siyang sinundan ni Luna. Pagkalipas ng isang sandali, nakarating na rin sila sa lugar kung saan tumatawid ang bang

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.