Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa
Asawa ng LoboAsawa ng Lobo
Oleh: Webfic

Kabanata 1669

“Habang nakikipaglaban ang Demon Lord, mauubos ang kanyang demonic energy. Dahil dun, mas magiging malakas ang espiritu ni Satanas na nasa loob ng kanyang katawan. Base sa nangyayare...” Bakas sa itsura ng bata ang sobrang pagkatakot. “Ang espiritu ni Satanas ay nagising na at malamang nakuha na ang kontrol sa katawan ng Demon Lord.” Biglang namutla si Luna sa mga narinig. “Paano nangyari iyon?” Hiss— Bago pa man makapagpaliwanag ang batang babae, isang malalakas na tunog ang umalingawngaw mula sa malayo. Sabay silang tumingin sa direksyon kung saan ito nanggaling. Nagising na ang mga natutulog na ancient demons, pero imbes na sugurin sila ay laking gulat nila nang mag away-away ang mga ito na para bang plano ng mga ito na talunin ang isa’t-isa. “A-ano...” hindi makapaniwalang tanong ni Luna, “Ano ang ginagawa nila?” “Sila ay...” Napalunok ang batang babae at mahinang sinabi, “Ni..nilalamon nila ang isa’t-isa. Base sa nakikita ko.. parang..parang sinusubukan nila

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.