Kabanata 1746
Ang Black Dragon…
Naiinis na suminghal sa mga ito si Andrius bago niya hayaan ang mga kriminal.
Wala siyang dapat na ikatakot sa mga ito dahil sapat na ang isang pagatake gamit ang kaniyang palad para pabagsakin at lumpuhin ang mga ito. Siguradong hindi na makakagalaw pang muli ang mga lalaking iyon sa sandaling gawin niya iyon sa kanila.
“Maraming salamat po sa pagliligtas ninyo sa aking buhay, Sir!” Luhod ng batang babae sa lupa para yumuko kay Andrius.
“Hindi mo na kailangan pang gawin iyan.” Mabilis itong tinulungang makatayo ni Andrius bago siya magtanong ng, “Bakit ka hinahabol ng Black Dragon?”
“Well…” Dito na bumagsak ang itsura ng batang babae, “Ako po pala si Serena Archer. Kinulong po ang aking kuya ng pulis at hindi po nagawa ng aking pamilya na maitawid ang aming mga gutom sa mga sumunod na araw nang makulong ang aking kapatid kaya kinakailangan ko pong manghiram ng pera. Pero hindi nagtagal ay nalubog ako sa utang nang dahil sa taas ng interes ng kanilang mga pautang

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda