Pagkatapos nito, sinimot ni Andrius na natitirang laman ng hawak niyang bote. Pero hindi na siya nagawa pang puntahan ng waiter. Nagsitayo at nagsilabas ng inn maging ang mga kasama niyang kumakain sa loob nito.
Nang biglang mabalot ang inn ng kakaibang hangin sa paligid. Mayroong mali at naramdaman ni Andrius na may kakaibang nangyayari sa kaniyang paligid.
Swoosh...
Noong mga sandaling iyon, biglang nagbato ng isang bote ng wine ang naiwang tao na kumakain sa inn na nakaupo sa harapan ni Andrius.
“Uminom ka. Uminom ka na hangga’t kaya mo dahil huling inom mo na iyan.” Nanlalamig nitong sinabi habang nagpapakita ito ng malademonyong ngiti sa kaniyang mukha. Hindi na nito naitago pa ang aura niya na puno ng intensyong pumatay.
Walang kilala na kahit sino si Andrius sa Dragonspire at wala rin siyang kahit na sinong kalaban dito. Dito na niya naisip ang isang bagay. Malaki ang tiyansa na ipinadala ang taong ito ng Etherium Immortal Lord.
At kung titingnan ang aura na pinakawalan ni