Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa
Asawa ng LoboAsawa ng Lobo
Oleh: Webfic

Kabanata 318

Tiningnan ni Luna ang mga numero sa kontrata. Nakita niya rin ang pirma ni Sonia ay ang opisyal na stamp ng Celestial Enterprise na nagpanganga sa kaniyang bibig. Sa loob lang ng ilang oras, nagawang makakuha nina Fatty Frank at Andrius ng investment mula sa Celestial Enterprise! Nagkakahalaga ito ng isang bilyong dolyar! Hindi ito kapanipaniwala! Para itong isang panaginip. “Peke iyan! Peke ang kontratang iyan!” Hindi pa rin naniwala rito si Harman. Nagsususpetsa niyang tiningnan sina Andrius at Fatty Frank habang nasa gitna siya ng kaniyang pagsinghal, “Siguradong pineke ninyong dalawa ang kontratang iyan! Dahil kung hindi, bakit papayag ang Celestial Enterprise na maginvest sa ating kumpanya pagkatapos lang ng inyong pagbisita roon?” Sumangayon naman ang ibang mga executive sa mga sinabi ni Harman. “Oo nga. Peke ang kontratang iyan!” “Hindi naman kumpanya ng ama mo ang Celestial Enterprise kaya bakit sila magiinvest sa atin?” “Kaya nga. Siguradong peke ang dokumentong iyan!

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.