Kabanata 113
Hinalungkat ni Ryan ang emergency kit at nakita ang isang maliit na pakete ng mantikilya, isang maliit na bag ng harina, isang lata ng beans, dalawang biskwit, dalawang piraso ng tsokolate, at isang lata ng sardinas!
Ang pinakamahalaga sa lahat, merong ding isang rolyo ng gauze, isang kahon ng mga tabletas sa tiyan, at isang bote ng ibuprofen!
Nanginginig ang mga kamay ni Ryan na parang hindi makapaniwala sa nakikita. Malakas niyang kinurot ang braso niya.
“Aray!” Masakit.
Hindi ito isang ilusyon o isang panaginip. Talagang tumama siya sa lotto!
“Nagising ko ba ang mga diyos sa pagmumura ko kanina?” Mabilis na pinagsalikop ni Ryan ang kanyang mga kamay at tumingala sa langit.
“Diyos ko, nagkamali ako kanina. Hindi kita dapat minura! Salamat sa Iyong mga biyaya!”
Kinuha niya ang emergency kit at tumalon pababa mula sa lifeboat.
Pagkatapos, tumalikod siya at yumuko sa namatay. “Salamat sa regalo. Sana magkaroon ka ng magandang kabilang buhay!”
Parang bata na sumugod si Ryan kay Sherry.

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda