Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 79

Namula ang mga pisngi ni Dakota ng husto. Alam niya na mali ang pagkakaintindi ng nanay niya sa sitwasyon. Ngunit, mas magiging malala kung magpapaliwanag siya. “Ma, ihahatid ko na po muna si Cameron.” Yumuko si Dakota at aalis na kasama si Cameron. “Dakota, bakit hindi kayo mag-almusal ni Cameron bago kayo umalis? Gumawa ako ng pumpkin congee. Napakahealthy nito.” Sambit ni Jane, habang nakangiti sa kanilang dalawa. “Okay lang po, Ma. May kailangan po asikasuhin agad si Cameron kaya kailangan po na niyang makabalik.” Gumawa ng palusot si Dakota. “Sige, tandaan mo lang na mag-almusal mamaya,” sambit ni Jane. “Sige po, Ma.” “Ingat kayo sa kalsada at bagalan mo maneho. At Cam, bisita ka lagi,” dagdag ni Jane. “Sige po, Tita. Aalis na po kami,” sagot ni Cameron. “Okay.” … “Phew,” napahinga ng malalim si Dakota sa oras na nakapasok siya ng sasakyan. Nakatakas din siya mula sa mapagmatyag na mga mata ng nanay niya. Ngunit, ang maisip ang nangyari kanina ay nagpapula muli ng mga

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.