Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 149

Nagulat ang lahat ng tao sa paligid. Na tila ba hindi na gumagana ang mga utak nila habang nakatayo sila na parang mga estatwa. Tulala nilang tinitigan si Hayden na nasa sahig. Ito si Hayden ng magkapatid na Lynch. Isa siyang martial expert na ipinakita na wala siyang katapat kanina. Pero sa isang kisapmata… hindi kapani-paniwala ang nangyari! Walang naniniwala dito, gulat ang ekspresyon nila. “Hayden!” sigaw ni Hector. Siya ang unang nagreact at mabilis na lumapit kay Hayden. Ngunit, wala ng buhay sa katawan niya. Dilat ang mga mata niya, at hindi na siya humihinga. Nag-alab sa galit ang mga mata ni Hector. Dito lang naintindihan ng lahat ang nangyari. Kinilabutan sila habang takot na tinitignan ang presensiya sa entablado, isang presensiya na parang si kamatayan. Natakot sila. “Oh my goodness! Pinatay ni Wyatt si Hayden ng magkapatid na Lynch!” sambit nila sa loob-loob nila. Marahas ang tingin nila sa kilos na ginawa ni Wyatt. Hindi sila makapaniwala sa kung gaano kalakas

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.