Kabanata 23 A Welcoming Party
Lumabas ng study si Yvonne, bumaba at kumuha ng panglinis. Saka niya nilinis ang kalat sa harap ng study ni Henry bago bumalik sa kanyang kwarto.
Noong sumunod na araw, pumasok siya na may malalaking eyebags. Nagulat si Lynette nang makita si Yvonne. “Diyos ko, ano bang ginawa mo kagabi? Akyat bahay ka ba?”
“’Wag kang maupo dyan, mapapagalitan ka pa kapag may nakakita sa’yo.” Tinulak paalis ni Yvonne si Lynette pababa ng kanyang mesa. “Hindi ako akyat bahay. Binangungot lang ako buong gabi.”
“Buong gabi?”
“Oo. Paulit-ulit lang. Para akong tino-torture.” Humikab si Yvonne, kita ang pagiging matamlay sa kanyang mapulang mga mata.
Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Sa tuwing pipikit siya, nananaginip siya na may inuutusan si Henry na sapilitang kunin ang bone marrow niya dahil tumanggi siya maging donor.
Parang totong-totoo ang kanyang panaginip kaya naman napaisip siya kung gagawin nga kaya ni Henry ito kapag tumanggi siya sa hiling nito.
“Anong klaseng bangungot ba?”

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda