Kabanata 1278
Ngumiti si Luna at tinaas niya ang kamay niya para himasin ang mukha ni Joshua. “Sa sobrang lala ng kondisyon ni Granny Lynch ay nagbigay pa siya sa akin ng instructions kung ano ang gagawin ko kapag pumanaw na siya…”
Umubo si Luna at nagpatuloy siya, “Kaya sinabi ko kay Dr. Janet na bigyan ako ng mga gamot para pekein ang sakit ko na tulad ng kay Granny Lynch. Kapag tumigil na ako sa pag inom ng gamot na ito, babalik na ako sa normal. ‘Wag kang mag alala… Hindi ako mamamatay.”
Humawak siya sa dibdib niya gamit ang isang kamay habang ang kabila ay humihimas sa mukha ni Joshua. “Hindi ko alam na ganito pala kalala kapag nagkasakit.”
Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang makita niya ang pilit na ngiti sa mukha ni Luna. Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Dahil si Dr. Janet ang nagbigay sayo ng gamot para pekein ang sakit na ‘to, saan pala siya nagpunta? Nawawala daw siya, ayon sa mga doktor sa labas.”
Tumawa ng mapait si Luna. “Oo. Noong una, gusto akong bigyan ni Dr. Janet ng

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda