Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 1403

Nabaling ang tingin ng lahat kay Joshua nang marinig nila itong magsalita. Bulungan at anasan ang umalingawngaw sa buong silid habang kinukuwestiyon ng mga manonood ang biglang pagsulpot ng lalaking ito. “Sino ang lalaking ito?” “Hindi nyo pa ba narinig? Ito ay si Joshua Lynch, ang lalaking taga Banyan City na muntik nang bangkarotehin ang pamilya Landry pagdating niya sa Merchant City!” “Diyos ko, siya nga! Bakit siya pumunta dito?" "Maaaring bangkarote na ngayon ang pamilya Landry, kaya naparito rin siya para talunin ang pamilya Quinn?" “Ano ang sinusubukan niyang gawin? Ayon sa kanyang sinabi, siya at ang magiging Mrs. Quinn ay tila may kaugnayan…” Napakaingay ng mga bulungan ng mga manonood na halos malunod na nila ang anumang ingay sa loob ng silid. Samantala, sa entablado, mahigpit na hinawakan ni Luna ang mikropono, namumutla ang mukha at pinagpapawisan ang mga palad. Mula nang makita niya si Joshua na nakaupo sa venue, alam niyang hindi nito hahayaan nang mapaya

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.