Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 1690

Wala masyadong reaksyon si Jim. Sa halip, sumimangot lang siya, nakatitig kay Joshua. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Kapatid ko siya, syempre may pakialam ako sa kanya!” Pagkatapos, huminga siya ng malalim. “Kahit na hindi namin gusto ni Luna ang secretary mo, alam ko na hindi papatay ng isang tao si Luna. Sigurado ako na alam mo ito.” “Bukod pa dito, nabalitaan ko sa pulis na may nakita silang fingerprint sa patalim na ginamit sa pagpatay, at hindi ito galing kay Luna.” “Walang security camera sa balkonahe, at ang tanging ebidensya lang ay ang mga witness statement na mula sa mga security guard.” Huminga ng malalim si Jim bago siya nagpatuloy, “Si Luna ang tinalaga na bagong CEO ng Landry Group ngayong gabi, at nasa kanya na ang lahat ng atensyon dito sa Merchant City, kaya’t hindi namin siya pwedeng hayaan na makulong.” “Hindi mapapatunayan ng mga witness statement ng mga security guard na si Luna nga talaga ang pumatay kay Cheryl.” “Kapag dumating ang mga magulang ni Cheryl

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.