Kabanata 181
Marahil ay masyadong matindi ang titig ni Luna.
Si Joshua, mula sa kanyang opisina, ay tumingala at napansin ang kanyang mga mata.
Nagsalubong ang kanilang mga tingin.
Ang kanyang tingin ay lumipat mula sa pagkatulala patungo sa pagkagulat, habang ang pagkabigla ni Joshua ay napalitan ng pagiging tahimik.
Nagkatinginan sila ng matagal bago namalayan ni Courtney na parang may mali.
Tumingala siya at nakita niya si Luna.
“Si Luna po iyon,” pakilala ni Courtney kay Joshua. "Noong nasa elevator po ako, nakita ko po si Mr. Fisher na inakay siya sa design department para mag-report."
Saka siya ngumiti ng malumanay. "Napakaganda po ni Ms. Luna. Nabighani po ako ng beauty niya sa elevator kanina.”
Napakunot ang noo ni Joshua dahil sa sinabi ni Courtney. Inilipat niya ang tingin mula kay Luna at tumingin kay Courtney.
"Hindi mo pa rin naipaliwanag ang sarili mo. Inutusan ko si Lucas na ikuha ako ng bagong male secretary.”
Paano naging babae ang lalaking sekretarya sa loob ng isang ara

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda