Kabanata 1997
“Dapat niyo po itong imbestigahan, Daddy.”
Tumango si Joshua. “‘Wag kang mag alala; gagawin ko ‘yun.”
Si Bonnie ang bestfriend ni Luna at ang girlfriend ni Jim bago nawala ang mga alaala nito.
Pamangkin din ni Joshua si Harvey, at bukod pa dito, ang anak niyang si Nigel ay nasa eroplano kung saan tinanim ang bomba.
Para sa pinsan niyang si Jim, pati na rin sa debosyon at responsibilidad niya kila Luna at Nigel… hahanapin ni Joshua ang may sala sa lahat ng ito, kahit anong mangyari.
Suminghot si Luna at galit niyang sinabi, “Ano pa ba ang kailangan imbestigahan? Halatang kagagawan ito ni Charlotte!”
Ang tao na tanging natatakot sa pagbalik ni Harvey ay si Charlotte. Kaya naman, ang tao na tanging magtatanim ng bomba sa eroplano para patayin ang mga bata ay walang iba kundi siya!
“Alam ko.” Tumingin si Joshua kay Luna. “Pero, alam mo naman na malaki ang tiwala ni Jim kay Charlotte, at kapag inakusahan natin si Charlotte ng walang matibay na ebidensya, hindi tayo paniniwalaa

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda