Kabanata 2090
Alam ni Rachel na hindi dapat siya magselos sa isang patay na babae, ngunit hindi niya ito maiwasan.
Hindi niya matanggap na nagtapat sa kanya ng pagmamahal si Theo habang may kasama na ibang babae sa mga panahong ‘yun.
Hindi lang ‘yun, wala pa siyang alam tungkol sa babaeng ito hanggang sa araw na ito.
Kung hindi siya sumunod kay Caleb para samahan sina Rosalyn at Charles pabalik ng Merchant City, hindi niya malalaman ang katotohanan; na ang lalaking nagsabi sa kanya na mahal siya ay hawak ang isang babae at hinalikan pa ito bago mamatay.
“Rachel.” Kumunot ang noo ni Theo habang hawak niya ang hindi na humihinga na si Roanne. “Naging mahirap ang buhay niya. Makikipagtalo ka ba talaga sa akin sa harap ng patay na katawan niya?”
Ang awa at konsensya niya kay Roanne ay nilagpasan na ang lahat ng ibang emosyon niya, at habang hawak niya ng malapit ang katawan ni Roanne, hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang ugali ni Rachel.
Hindi ba makapag hintay si Rachel bago maasik

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda