Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 2905

“Lalapit ako para makinig sa pag uusap nila.” Kumindat si Anne kay Luna. “Kung ang babaeng ito ay may kinalaman kay Fiona at nandito siya para maghiganti sa inyo ni Joshua, siguradong makikilala ka niya, pero para naman sa akin…” Nagpatuloy siya ng may masayang tingin. “Kahit na best friends tayong dalawa, kami ni John ay masyadong malayo sa mundo niyo ni Joshua, at minsan lang kami lumabas sa publiko na magkasama. Kahit si Fiona ay hindi malalaman ang tungkol sa pagkakaibigan natin, kaya hindi ito malalaman ng babaeng ‘yun. Mas mabuti kung ako ang makinig sa halip na ikaw!” Pagkatapos, ibinaba niya ang tasa, nagpanggap siya na kailangan niya pumunta sa banyo, at sinasadya niyang lagpasan ang mesa nila Jacqueline at James. Tama siya; hindi siya naaalala ni Jacqueline. Nang lumagpas siya sa mesa, ang tingin ni Jacqueline ay hindi nagbago at nagpatuloy ito sa pakikipag usap kay James. Hindi nagtagal, tumunog ang phone ni Luna dahil sa mga message ni Anne, na sinend niya mula sa banyo

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.