Kabanata 2956
Baka nga hindi inaasahan ni Joshua na biglang itatanong ni Luna ang kinaroroonan ni John. Nabigla siya at tahimik siyang umiling.
“Hindi. Umalis siya kasama si Sammie at ang katawan ni Anne pagkatapos pumanaw ni Anne kahapon. Naghanap ako sa lahat ng lugar—sa bawat train station, airport, harbor, at highway. Pero…”
Nagbuntong hininga siya. “Hindi ko pa rin mahanap ang kahit anong bahid ng pag alis niya. Baka nasa bayan pa rin siya. Hindi lang natin mahanap kung saan siya nagtatago. ‘Wag kang mag alala. Gagawin ko ang lahat para hanapin siya.”
Dahil nangako siya kay John na hindi niya hahanapin kung saan sila pupunta ni Sammie, naisip niya na hindi na niya dapat sabihin kay Luna ang tungkol sa pangako. Mas mabuti nang—walang makakaalam na nakipagkita siya kay John.
“Sige.” Dumilim ang liwanag sa mga mata ni Luna pagkatapos itong malaman. “Sigurado ako na ayaw niya na ulit tayo makita o ayaw niyang mahanao siya… Kung hindi mo siya mahanap, hayaan mo na.”
Nalaman na siguro ng buong b

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda