Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 482

Pagkatapos ng mga ilang sandali, huminga ng malalim si Luna at ngumiti. “Pinalaki ko lang ang bagay na to, yun lang.” Walang imik na umangat ang kilay ni Joshua habang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Luna. Tumawa ng bahagya si Luna. “Nagdugo noon ang ilong ni Neil dahil sa sipon. Marami na akong nakitang mga taong na-diagnos ng leukemia dahil lang sa hindi matigil ang pagdurugo ng kanilang ilong, at nag-alala ako na baka magkaganun siya, kaya pinadala ko siya sa hematology department para mapatignan. Sa bandang huli, lumabas na meron lang siyang sipon. Nag-alala lang ako sa wala.” Nagpanggap si Luna na kalmado at nagkibit balikat. “Maraming tao ang naoospital dahil sa sipon sa taglamig, kaya sinabihan kami ng doktor na manatili sa may hematology department.” Naningkit ang mga mata ni Joshua. “Yun lang?” “Syempre. Ganun lang siya kasimple.” Bahagyang tumawa si Luna. Kinuha niya ang litrato kay Joshua, lumingon at umalis. Nanatili nakatayo sa kanyang pwesto si Joshua habang

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.