Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 556

Sa sandali na marinig nila ito, nagkatinginan sina Celeste at Nathan. “Bukod pa dito, tama si Mr. Lynch.” Huminga ng malalim si Luna. “Hindi ako bagay kay Theo. Isa siyang mabait at maginoong tao; sa tingin ko hindi ako nararapat para sa kanya. Iniisip ko na isang maliit na family dinner lang ito ngayong gabi, hindi ko inaasahan na magiging isang engagement ito. Pasensya na.” Pagkataps, tumalikod si Luna. Gayunpaman, sa sandali na paalis na siya, tumigil siya na para bang may naalala. “Mr. Lynch.” Mabagal na lumapit si Luna kay Joshua at ngumiti siya. “Masaya ka na ba?” Suminghal si Joshua ng galit at mabagal na binaba ang tasa niya. “Oo, masaya ako.” Tumitig si Luna kay Joshua, may bahid ng kasamaan sa kanyang mga mata. Makalipas ang ilang sandali, may sampal na dumapo sa mukha ni Joshua bago pa siya makakilos. Napalingon si Joshua sa sobrang lakas ng sampal. Binalik ni Luna ang kamay niya at sinabi niya, “Pwedeng isipin ng kahit sino na isa akong makati at hindi puro na babae,

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.