Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 261 Walang Hiya

Nakaharang siya sa daanan ni Jane. Gayumpaman, hindi niya sinigawan sina Dos at ang mga kasama nito para paalisin sila; sinulyapan niya lamang ang babaeng nakaluhod sa lupa at tahimik niya itong tinantsahan. Parang ewan naman itong mga nangyayari. Saan nakakuha ng labas ng loob itong homewrecker na ito para lapitan at humingi ng tawad sa anak ng totoong asawa? Sino rin kaya ang nagsabi sa kabit ng tatay niyang itong madaling kausap ang isang tulad ni Jane? Tumingin siya sa magandang babaeng nakaluhod sa kanyang harapan at buong seryosong sinabi, “Hindi ba kakasabi mo lang na gusto kayo ng anak mong makita ni Madam Dunn na mamatay? Narito tayo sa bansang nananaig ang batas, ‘di ba? Kaya’t sigurado akong hindi ‘yun kayang gawin ni Madam Dunn. Miss, pagod ka lang ata lately. Baka gusto mong magpakita sa Psychiatric Department ng ospital. ‘Yang mga ganyang delusyon ay nasosolusyunan naman ng panggagamot.” Nang marinig niya ito, namutla ang magandang babae. “Jane…” “Teka.” Biglang put

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.