Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 162

Parang kailan lang.... Kitang kita ng mga tao sa paligid nila kung gaano kabaliw si Gu Lichen kay Zhong Rongrong.... Isang lambing niya lang na gusto niya lead role, wala pang isang araw nakuha niya na ang role... Kapag ayaw niya sa direktor, walang patumpik tumpik na papapalitan nito.... at noong huling birthday, nabanggit niya lang na gusto niyang mag celebrate sa isang mamahaling hotel, at nireserve talaga nito ang buong hotel... Kaya nga kahit siya, naniwala rin na siya na ang pakakasalan nito... Pero anong nangyari at nagbago ang lahat....? At ngayon... kahit pa umitim na ang tuhod niya kaluluhod, wala siyang maramdamang kahit konting bahid ng awa.... Hindi... Mali.... wala siyang maramdamang kahit anong emosyon sa mga mata nito, na para bang hinahatulan siya ng titig nito... Alam niya na mahirap talagang kunin ang loob ni Gu Lichen, at kung swertihan man, ramdam na ramdam pa rin ang distansya nito. Bandang huli, naramdaman ni Zhong Rongrong na wala namang nangyayari sa

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.