Kabanata 84
Noong gabing yun, nagising si Yi Jinli ng matining na sigaw ni Ling Yiran, kaya dali-dali niyang binuksan ang ilaw, at doon niya nakita na binabangungot ito.
Hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nito pero base sa nakikita niya para bang natatakot at hindi ito mapakali.
"Ate!" HInawakan niya ang kamay nito at nang napansin niya na ga-butil ang pawis nito, dali-dali niya itong kinapa sa noo at doon niya napag'alaman na inaapoy ito ng lagnat.
Kaya kumuha siya ng basang tuwalya at pinunasan ang noo ni Ling Yiran.
Pero hindi pa rin ito kumakalma.
At kahit anong tawag niya, hindi ito nagigising.
At habang tumatagal ay lalo siyang nagpapanic dahil hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin.
Siguro dahil ito ang unang beses na nagkaroon siya ng pakielam para sa ibang tao...
Sa sobrang taranta, kinuha niya ang kanyang phone para tawagan si Gao Congming kahit pa alas dos palang ng madaling araw.
"Magpapunta ka ng doktor ngayon mismo dito sa apartment ni Yiran. Sobrang

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda