Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 128

Nasabi ito ni Severin sa sobrang pagmamahal niya kay Diane. Kaya hindi magawang magalit ni Felicia kay Severin nang dahil dito at hindi na rin siya makahanap ng rason para sagutin ito. “Napakadali para sa iyong sabihin iyan! Saan mo kukunin ang ganoon kalaking halaga nang hindi mo ibinebenta ang villa? At hindi ba’t sinabi mo rin na gusto mong magorganisa ng isang engrandeng kasal para sa aking kapatid?” Singhal ni Megan. “Mukhang gumagawa ka lang ng dahilan para patagalin ang pustahan natin. Sigurado naman ako na masaya ka hangga’t mapapatagal mo ito ngayong mayroon ka pang natitirang 20 araw para maibigay ang dote.” Hindi naman hinintay ni Diane na makapagsalita si Severin nang sabihin nitong, “Hindi mo na ito kailangan pang alalahanin, Megan. Makukuha ni mama ang 7.5 million na ipinangako ni Severin. Hindi ito magkukulang ng kahit na isang sentimo! Wala na kayong iba pang dapat na gawin kundi maghintay. Itatransfer namin ang pera sa account ni Mama. Wala na siyang ibang dapat na g

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.