Kabanata 1060
Nagulat si Hayden sa naging sagot ni Avery.
Kahit na matalino siyang bata, may mga bagay pa rin siyang hindi maintindihan at isa dun ang tungkol sa pagmamahal.
Pero dahil sinabi na ng Mommy niya na mahal talaga nito si Elliot, ano pa nga bang magagawa niya, diba?
“Okay, sige!” Sigaw ni Hayden, sabay tingin kay Elliot, bago siya tumakbo sa loob ng kwarto niya.
Doon lang napansin ni Avery sina Elliot at Layla.
“Hindi mo ba siya nabigla?” Nahihiyang tanong ni Elliot, “Ang ibig kong sabihin… hindi kaya lalong lumayo ang loob niya sa akin?”
Aminado naman si Avery na nabigla niya rin talaga si Hayden pero doon din naman sila pupunta kaya mas minabuti niya ng ipaliwanag dito hanggang maaga.
“Baka nga nabigla ko siya… Pero para sa akin, mas mabuti ng nakakausap natin siya ng paisa-isa, kaysa naman yung magugulat nalang siya sa mga desisyon natin.”
“Daddy, pwede mo ba akong ibaba? Kakausapin ko lang si Hayden.”
Hindi naman tumanggi si Elliot at ibinaba si Layla.
“Mamaya na sigur

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda