Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 141

Matagal na nagring ang telepono bago may sumagot. "Hi, Tito Fred. Si Avery Tate ito. Naaalala mo pa?" "Avery Tate? Oo naman, naaalala kita! Hindi babagsak ang kumpanya natin kung hindi dahil sa’yo! Ang lakas ng loob mong tawagan ako? Naubos mo na ba lahat ng pera mo sa abroad at gusto mong manghiram sa akin? Sasabihin ko na sa’yo ngayon palang na hindi ka makakatanggap ng kahit magkano sa akin!" Nanatiling kalmado si Avery kahit na nararamdaman niyang galit ang kausap niya sa kabilang linya. "Hindi ‘yan ang dahilan kung bakit ako tumawag. Napaisip lang ako kung may plano kang lumipat ng kumpanya." "Lumipat ng kumpanya? Headhunter ka na ba ngayon?" "Balak kong itayo muli ang Tate Industries. Kung posible, gusto kong pabalikin ‘yung mga empleyado dati. Kung lahat kayo ay papayag na bumalik, kaya kong doblehin ang kasalukuyan niyong sweldo." Nalaglag ang panga ni Fred Dover! "Interesado ka ba?" tanong ni Avery. Huminga nang malalim si Fred at sinabing, "Naka-jackpot ka b

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.