Kabanata 2830
Hindi inaasahan ni Ivy na tototohanin talaga ni Layla ang sinabi nito kagabi.
Bago matapos ang tawag, tinanong ni Ivy, “Layla, bakit hindi ka pumasok ngayon? May nararamdaman ba si Eric?”
Natawa si Layla. "Okay naman siya. Naglambing lang siya na gusto niya raw akong makasama dito sa bahay.”
"Aba mukhang naging clingy na siya ah!" Natatawang sagot ni Ivy. "Sigurado akong masayang masaya ka diyan."
“Hindi naman ganun yun! Satin-satin lang ‘to ah. Nabangga kasi ako ulot kagabi pero okay lang naman ako. Nag aalala lang talaga siya sa akin kaya sinabi niyang wag na muna akong lumabas ng bahay. HIndi niya man sabihin, pero nararamdaman ko.”
Gulat na gulat si Ivy, “Okay ka lang ba talaga, Layla?”
"Maliit na aksidente lang iyon. Kailangan lang ayusin ang sasakyan, pero okay naman ako. Huwag mong sabihin kay Mommy at Daddy," paliwanag ni Layla.
“Sige. Wag ka na munang lumabas at magpahinga ka. Kapag may naramdaman kang kakaiba, pumunta ka kaagad sa ospital ah.”
“Haha! Huwag kang mag

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda