Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 384

Dahil sa tanong ni Elliot, biglang kumunot ang noo ni Avery. ‘Anong ibig niyang sabihin? Bakit niya tinatanong kung anong nangyari sa amin ng mommy niya? ‘Hindi sinabi ng Mommy niya sakanya? Bakit hindi niya tanungin?’ ‘Nakakapagtaka naman dahil mahigit isang oras na ang nakakalipas, hindi niya pa rin alam?’ Kinuha ni Avery ang isang baso ng tubig na nasa lamesa niya at uminom. Pinilit niyang kumalma. “Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi ka sa mommy mo magtanong?” Medyo kinukutuban na si Avery na may nangyari. Dahil kung wala, imposibleng hindi sasabihin ni Rosalie ang nalaman nito kay Elliot! “Patay na ang mommy ko.” Huminga ng malalim si Elliot at mangiyak-ngiyak na nagpatuloy, “Ikaw ang huling taong nakausap niya bago siya mamatay. Gusto kong malaman kung anong pinag usapan niyo.” Nang marinig ni Avery ang nangyari, parang biglang umikot ang kanyang paligid at pakiramdam niya ay tutumba siya kaya bago niya pa man mabitawan, inilapag niya lamesa ang basong hawak niya.

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.