Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 413

Uminom si Mike ng tubig. “Ano nanamang nangyari sa boss mo? Pwede bang itigil mo na ang paghahanap sa akin kay Avery sa tuwing may nangyayari sakan—” “Patay na siya.” Hindi mapakaling sagot ni Chad. Dahil dito, biglang nabulunan si Mike. “Pinaprank mo ba ako? Anong sabi mo? Patay na siya? Paano?” “Hindi ko rin alam. Wala akong alam pero yun ang kumakalat ngayon sa internet.” Hindi nakasagot si Mike. Nang makita niyang mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Chad, nakumpirma niyang hindi talaga ito nag bibiro. Nagmamadali niyang inilapag ang hawak niyang baso at naglakad papunta sakanyang kwarto para kunin ang phone niya. “Wag kang mag alala. Makikibalita ako kay Avery. Nag usap palang kami kahapon. Ang sabi niya hindi na raw masyadong masakit ang sugat niya kaya baka makauwi na rin siya sa mga susunod na araw. Wala naman siyang nabanggit tungkol sa nangyari kay Elliot—” “Ngayong umaga lang daw nangyari.” Sinundan ni Chad si Mike. “Sinubukan naming tawagan siya at ang mga bodyguard na kas

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.