Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 575

“Tinanggap ko yung offer kasi masaya ako kapag kasama ko si Shea. Isa pa… huli na noong nalaman ko na binigyan pala ni Elliot ng malaking halaga ng pera yung mga magulang ko.” “Wag mong tatanggihan yung bayad niya kapag nag offer siya sayo.” Nakangiting sagot ni Avery. Umiling si Wesley. “Sinabihan ko nga yung mga magulang ko na idonate yung pera. Ayoko naman na para niya akong ginawang charity. Parang sobrang kawawa naman ako pag ganun at ayoko ng ganung pakiramdam.” “Sigurado naman ako na hindi ganun ang tingin niya sayo, Wesley.” Ngumiti si Wesley at kalmadong sumagot, “Alam ko naman yun. Hmm Avery, kung naipagtatanggol mo siya sa harap ko, bakit hindi mo kayang kumbinsihin yung sarili mo na hindi siya masamang tao?” “Ha?” Nahihiyang sagot. “Para sa akin lang ha. Hindi magandang ideya na nakipag hiwalay ka kay Elliot. Buntis ka at kailangan mo ng taong aagapay sayo.” Tinitigan ni Wesley si Avery at nagpatuloy, “Sa lahat ng nangyari, hindi ka pa rin ba naniniwalang mahal ka

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.