Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 727

Nanginginig ang mga tuhod ni Avery habang naglalakad para tignan ang itim na lapida. “Avery! Wag mo ng tignan!” Sigaw ni Mrs. Cooper at dali-dali niyang hinarangan ang lapida para hindi makita ni Avery. Pero hinawi ni Avery si Mrs. Cooper. “Gusto kong makita kung ano ang nakasulat… Ipakita mo sa akin!” Bago pa humarang si Mrs. Cooper, nasilip na ni Avery ang puting ink na nakaukit. “Dito naka himlay si Robert Foster” Buhay pa ang anak niya… lumalaban… sino nanamang kampon ni Satanas ang gumawa nito?! “Avery, kung sino man ang nagpadala nito, sigurado ako na may masama siyang balak! Kailangan nating tumawag ng pulis!” Nangingig ang mga kamay ni Mrs. Cooper sa kaba nang hawakan niya ang kamay ni Avery. “Wag kang magpapatinag sakanila! Kailangan mong tatagan ang loob mo, Avery. Buhay pa si Robert! At kahit ano pang sabihin nila, lumalaban ang bata.” Dahil sa mga sinabi ni Mrs. Cooper, hindi na napigilan ni Avery na maging emosyunal. Niyakap niya si Mrs. Cooper at umiiyak na

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.