Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 1643

Gumilid ang kalbong lalaki, at doon lang siya nakalingon upang makita kung ano ang nasa likuran niya; ang mga mata niya ay napuno ng pagkataranta at pagkabigla. Kung hindi niya naramdaman ang panganib sa likuran niya nang mas maaga, siguradong nahati na siya sa dalawa at namatay. Tumulo ang dugo mula sa kanyang balikat, at makalipas lamang ang isang sandali, namutla ang mukha ng lalaking kalbo. Kaagad niyang inilabas ang isang healing pilk at ininom ito. Bumagal ang pagdurugo. Ngumit kahit ganito, masyado pa ring malubha ang pinsalang naibigay ni Fane. “Fa—Fane!” Napahinga nang malalim si Joel nang makita niya si Fane. Hindi niya inakalang lilitaw si Fane sa sandaling ito at biglang aatakihin ang lalaking kalbo. “Fane!” Lumingon si Selena at tumingin dito. Si Fane ito! Kaagad na naluha ang kanyang mata at namula ang kanyang ilong; hindi niya mapigilang maginhawaan at matuwa. Kanina lang, akala niya mamamatay na sila ni Nash at hindi na niya makikita si Fane. Sa hindi

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.