Kabanata 177
"Ako… nakikipagkita sa ibang babae?"
Nagulantang si Fane. Pinilit niyang ngumiti at sinabi, "Ina, baka isa lang itong hindi pagkakaunawaan. Ilang araw pa lang akong nakakauwi kaya paano ako makakahanap ng oras para kitain ang ibang babae? Higit pa rito, napakaganda na ni Selena para sa akin kaya paano ko magagawang makipagkita sa iba?"
"Hindi pagkakaunawaan? Haha, paano ako nagkamali ng intindi? May mga larawan ako!"
Humalukipkip si Xena at nandidiring nakatitig kay Fane. "Kung bilyonaryo ka sana, magmumukha kang may kaya kapag nakipagkita ka sa ibang babae. Kaso napakahirao mo na nga pero nagawa mo pa rin ito? Paano mo nahaharap si Ate pagkatapos nito?"
"Larawan? Anong larawan?"
Nagsalubong ang kilay ni Selena at nagtanong.
"Ma, ipakita mo ito kay Ate. Kung hindi, baka di niya pa malaman ito. Di niya malalaman kung anong nakakadiring bagay ang ginawa ni Fane nang hindi niya alam!"
Nang tingnan ni Ben nang masama si Fane, nagpatuloy siya, "Fane, napakag*go mo. Nagdusa nan

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda