Kabanata 2053
Naningkit ang mata ni Jed at muling minata si Fane. Nagkataon lang na nagkatagpo sila at bukod pa rito, ang nangyari sa kanila ay walang kinalaman sa Dual Sovereign, ngunit sa huli ay tinanggap pa rin nila ang alok.
Sa loob ng kuweba, gumawa sila ng apoy para hindi ginawin si Albion. Ang mga may cultivation ay kadalasang hindi apektado ng init o lamig pero si Albion ay malubhang napuruhan at ang temperatura sa paligid ay bumababa nang husto kaya kailangan nilang gumawa ng apoy.
Ipinakilala ng tatlo ang kanilang sarili pagdating nila sa kuweba. Sila ay mga informal disciple ng Thousand Leaves Pavilion. Nagtaka si Fane dito. Sa Dual Sovereign Pavilion, ang isang nasa final stage ng innate level ay magiging isa nang formal disciple, pero sa Thousand Leaves Pavilion, mananatili pa rin silang informal disciple. Siguro dahil ito ay isang fourth-grade pavilion.
Si Albion ay walang malay dahil sa kanyang mga sugat. Ginamot ni Jed at Dwight ang sugat at pinunasan ang dugo sa kanyang mukha

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda